Pagod
Hay. Alam ko tuesday pa lang nagyon at masyado pang maaga para mapagod ako. actually, nakakapagod naman talaga kahit hindi masyadong marami ang ginagawa ko sa school ngayon. (although dapat maraming gawin. hehe.)Maglakad ka alng sa school ng buong araw nakakapagod na rin yun. 10:30-6:00 ako ngayon. Tapos iniisip mo pa alng ang mga gagawin ng mga susunod na araw, nakakapagod na. Parang gusto mo na lang matulog. Ang masakit doon, pagdating mo sa kotse, sasalubungin ka pa ng pagalit ng tatay mo. O di ba? Pagod ka na nga, pagsasabihan ka pa dahil sa isang bagay na hindi mo naman sinasadya. Malay ko ba na importante pala ang text na "Wru na". Hindi na ako sumagot dahil malapit na rin akong umuwi. Akala ko nagtext siya dahil nag-aalala lang siya na gabi na at kailangan ko na umuwi. But no. Yun pala, gusto na niya akong isabay para makatipid sa gasolina. Wala namang kaso sa akin yung pagtitipid sa gasolina e,dahil mahirap naman talaga ang panahon ngayon. Kailangan magtipid. Pero h...