Posts

Showing posts from 2006
#### Masochista ata ako. Nagpunta na naman ako ng blog niya kagabi. After a long time of not going. Wala lang, nabored lang ako. At ayun na nga, nagbalik na si Cathy. Hay. At sa kababasa ko ng mga entries niya, eto ang isa sa mga nabasa ko: Will give up everything to keep you. I love you, like it's the first time I'm saying it. Kamusta naman yan di ba?! Kaya ko nga siya minahal e, ganyan kasi siya magmahal. Shet. Kahit na medyo matagal na yun, masakit pa rin kahit paano kasi mahal ko e. Hay. Beyond my becoming a chef, finding a person who can love me as much is my dream. Sana hindi lang pangarap iyon, sana maging katotohanan. :) I still thank you ####. For loving not just her (although it's another kind of love), but all of us too. Kaya nga mahal pa rin kita e.
I can't add pics in BLOGGER. WTH. It's okay now. I just had to clear my Temporary Internet Files folder. BLEH.
Me at work Every break from work in the office means Shinhwa break. Hehe. I listen to them after eating my lunch. They make me sane for the rest of the day. :) Well, not exactly. I'm not really going crazy here at work. It's been going smoothly the past 5 days. It's tiring sometimes, even if you just sit on your chair the whole day. It gets even more tiring when you have to o to the showroom to familiazrize yourself with the products. But it's all good. I see myself getting amazed by the products we seel. Goodness. The faucets, bathroom showers, kitchen sinks - they all look super nice. And the price is super too. There's one Shower set ( Exposed Bathroom Shower set to be exact), the brand is Grohe and the series is Taron. It costs PHP 33,180. Super expensive. There's another brand, Gessi and the same item costs PHP 55,750. Much more expensive. The design looks a little different but the purpose is the same. Everything is expensive here. LOL~ But if ever
Image
My new wallpaper See? That's my new wallpaper. Debbie posted that in Shinhwachangjo and I just cannot resist not using it. Look at the cellphone... *coughs*, I mean ERIC. He looks really really good in the picture. I love it. Well, the phone looks good too. And this wallie should also remind me of the cellphone my uncle should give me. Gosh, it's been 2 months. And the phone is nowhere in sight. Ape, cellphone ko!!!! LOL ~~
Image
GORGEOUS ERIC on Xman Last night, I thought of doing screencaps of the Eric on Xman. What gave me the idea? Well, one, he was extra gorgeous in the episode. Two, there were so many Eric shots you'd think either the cameraman's gay or the person who edited the video is a woman and has a HUGE crush on Eric. Whoever the reason is, I thank him/her. Also, much thanks to Eric's stylist in this episode since he looks extra gorgeous in it. Goodness, even in plain Red's do it shirt, he looks DAMN good. Who can resist him? XD Well, here are some of the CAPS I took: That's how much I love this guy. :) edit: I removed most of the pics because I pity my connection. LOL. More pics here .
Image
I'm back from Seoul. I'm back from Seoul, South Korea. Kamusta naman? Masaya kahit medyo nakakapagod. Malamig doon. Masarap ang weather. Spring kasi e. So magkukuwento lang ako dito. Daily activities para mas maayos. Well, nakita ko na rin ang pinakamamahal kong Shinhwa. At kung itatanong niyo kung gwapo ba sila? Oo naman. Larger than life, ika nga ng isa kong kaibigan. Grabe. Well, mahaba-haba ito sa tingin ko so here goes... Day 1 - May 11,2006 I arrived Incheon international aiport at around 5:05 am. I roamed around the airport because i had to wait for Mal. She's my online friend that i am going around Seoul with and she won't be arriving until 7:05am. So I did what I had to do in the aiport. I planned to rent a cellphone so that i have something to use to call my fellow Filipino friends in Korea. Too bad, i wasn't able to rent because they need credit card as deposit. So, I just exchanged my USD to some Korean Won. And I waited for Mal at her exit gate. She ar
Shinhwa 8th jib on May 11! Yahoo!!! Sa May 11 na lalabas ang Shinhwa 8th album! Eksaktong dating ko pa sa Seoul! yey! Sana makabili agad ako at makakuha ng mga freebies like posters. Kaya dapat mabigyan talaga ako ng visa. Excited na talaga ako!!!!! Tulungan niyo po ako.
8 days to go Sa May 9 lalabas ang result ng Korean visa application ko. Sana mabigyan ako ng visa. Diyos ko, kung hindi, iiyak talaga ako. May ticket na ako sa concert. So kailangan ko talaga makapunta doon. Sayang din yung ticket. Buti kung pwede kong ibenta ang ticket. E hindi e, ako lang ang pwede mag-claim ng ticket na iyon from the organizers themselves. Hay. Cook for 4 days Ako ang cook for 4 days dahil wala ang katulong namin ngayon. Nakipiyesta sa probinsiya nila. Hay, ano kaya ang lulutuin ko? Well, I marinated some chicken and porkchops. Ano pa kaya? Wala pa akong naiisip e.
I want to go to Korea. 5 reasons why I want to go to Korea: 1. Shinhwa is having a concert on May 13-14. Yun na yun. 2. I want to see some cherry blossoms. 3. I want to eat their street food. Parang korean drama ang dating. 4. I want to buy LOTS of korean cds. Mind you, I might get lucky to get some free posters. 5. I want to go to Everland. and not Lotte World. HAHA. Sana Angel, payagan ka talaga. Lord, please help us convince her parents.
Image
Zanjoe and Bianca Well, the PBB housemates are finally outside the house. And so are Bianca and Zanjoe. At mukhang nagulat si Bianca sa mga reaksyon at opinion ng mga tao sa labas ng bahay. Si Zanjoe naman, sa nakikita ko naging consistent siya na gusto pa rin niyang maging kaibigan si Bianca sa labas ng bahay katulad ng sinabi niya sa loob. Pero si Bianca, parang pigil lahat. Naiintindihan ko siya at pinipilit intindihin ang sitwasyon niya. Kasi hindi rin madali e. Ang boyfriend niya ay galing sa isang respetadong pamilya. Hindi siya basta-basta na lamang makapagdesisyon. Dapat isipin rin niya ang reputasyon ng boyfriend niya. Naiinis lang ako dahil pilit nilang sinasabing malapit na magkaibigan sila ni Zanjoe pero iba naman ang nakikita ko. Parang iwas silang pareho kapag magkasama. Well, sa harap ng camera iyon. Kung sabagay, hindi naman natin sila nakikita sa likod ng camera. Ang hiling ko lang, huwag na nilang sabihing gusto nilang ipagpatuloy ang friendship nila dahil mukhang hin
Bianjoe nominated As expected, nominated si Bianca at Zanjoe. Hay. This time hindi ako nagkamali. Feeling ko manonominate talaga sila kahapon pa lang. Well, sa totoo lang, naiinis ako. Ang mariposa group, grabe mag-connive. Pareho nilang binoto si Zanjoe at Bianca. Biased na siguro ako kung biased. Pero sana walang samaan ng loob sa mga nag-nominate. Labo naman kasi ni Rustom e. So paano na yan? Lalaki na naman ang phone bill ng nanay ko dahil dito. Go Zanjoe! Tomorrow is pampering day for me Sana matuloy. Ang balak ko kasi, magpafacial, body scrub at hair spa sa umaga. Tapos sa hapon magshopping ng magandang swimsuit at snorkling stuff para sa Batangas trip namin. Todo gastos ito! Grabe na talaga!
Image
Zanjoe is safe Grabe. Ang lakas ng mga fans ni Zanjoe. At kasama ako dun. Hehe, obvious naman sa last post ko si ba? Akala ko talaga matatanggal siya kanina. Kaya nga sa kanya ako nakatitig habang inaannounce ni Toni Gonzaga ang matatanggal. Pero si Rico ang natanggal. O di ba? Bongga? At least andyan pa si Zanjoe. Sa totoo lang, siya lang talaga ang inaabangan ko sa bahay ni Kuya. Kapag naw ala na siya, wala na akong panunuorin. Gwapo ni Zanjoe dito: Gwapong alipin talaga. Nakakadena na, galing pa rin magmodel. :) Mga pagmumuni-muni sa sitwasyon nina Bianca at Zanjoe Naaawa ako kina Bianca at Zanjoe. Sa sitwasyon kung saan sila napapaloob. Bianca Kawawa siya dahil ipit siya. Well, vocal siya na medyo may hindi sila pagkakaunawaan ng boyfriend niya. At sa nakikita ko, napaalapit siya kay Zanjoe. Kung may feelings man siya para huli, kayo na lang ang humusga. Pero sa nakikita ko, natutuwa siya sa atensiyon na binibigay sa kanya ni Zanjoe. Biased na kung biased pero ang bait naman kasi t
Finally, I learned to let go. They are getting married soon. In December, I heard. I just went to his blog just to check what's going on in his life. As usual, he is telling stories about his students. #### na ####. HAHA. But that does not mean I will stop loving him. Love is forever. i learned that from him. Thanks ####.
Zanjoe Marudo Ang boyfriend ko! Gwapo no? Kahit mukhang alipin.
Barry I watched Barry Manilow on Oprah. Ang galing talaga niya grabe. He plays the piano while singing. Ang galing. Nakakatuwa. I think I have watched the episode 3 times already and i never get tired of hearing his wonderful voice. Amazing talent. Sira ba talaga o hindi? Tumawag si Louie kanina. Medyo nagloloko na naman ang computer. Hindi kami sure kung gagana pa hanggang hapon ang computer sa e-print. I am still waiting for his text para malama ko kung pupunta pa ako o hindi. Louie, text na... haha. :) PBBCE Eviction night later. Nalulungkot ako dahil baka matanggal na si Zanjoe. favorite ko kasi siya. Sana hindi muna siya matanggal. Kasi sinusubaybayan ko pa ang kuwento nila ni Bianca. gusto ko pang makita kung hanggang saan siya tatagal. I am amazed by how he's handling his situation with Bianca. I respect him for that. Kaya sana hindi muna siya matanggal. Wala na akong panunuorin sa PBBCE pag nawala siya.

Palibot-libot na lang

Palibot-libot na lang Palibot-libot na lang ako sa Ateneo. Inaayos ko ang clearance ko ngayon. Pending sa Student Accounts yung akin ngayon. Kukunin ko raw mamayang 2pm. Pero since nasa e-print ako ng oras na iyon, ipapakiusap ko kay Louie na kunin na lang iyong akin. Nakakabaliw. Hindi ako makapaniwala na wala na akong dapat isipin tungkol sa school. Hehe, pero masaya na rin. Ang susunod ko nang iisipin ay kung sino ang tatanggap sa akin sa trabaho. ~ 8:55am, tumawag si Joy sa akin. Tinatanong kung gusto ko raw bang malaman ang philo orals grade ko. 3.5 daw ang nakuha ko. Wow, paano nangyari iyon? Ibang klase. Medyo nagkalat nga ako tapos naka- B+ pa ako. Ay grabe na talaga ito. Sobrang bait naman ni Sir. Pero iniisi ko rin, hindi naman siguro magbibigay ng grade si Sir nang basta-basta hindi ba? Matanong nga si Anton bukas. ~ Ngayon, habang isinusulat ko ito, nasa e-print ako at nagbabantay. O di ba? Bongga. Sipag no? Katulad na rin ng sinabi nila, sayang kasi ang kikitain e. Tapos m

Halo-halo

4 down, 2 more to go Natapos na ang Philo orals , LS 170 finals, at Jap eco defense ko kahapon. Kanina naipasa ko na ang final paper ko sa ADRP. Dalawang requirement na lang. Theo orals bukas, at LS 127 defense sa March 4. Tapos, tapos na ako. Yey. Saya. Pinoy Big Brother Celebrity Edition Sinusubaybayan ko ang show na 'to. Bakit? Dahil marami kang mapupulot na aral. katulad na lang ngayon. Nagladlad na si Rustom. Bakla siya. Katulad ng sinabi ni Toni, hindi mahalaga kung tama ba o mali ang ginagawang pag-amin ni Rustom. Ang mahalaga ay nailabas ang katotohanan na matagal nang itinatago. Natutuwa rin ako kay Zanjoe. Well, guwapo siya for one. HAHA. Pero ang laki ng respeto ko sa kanya dahil kahit na crush niya si Bianca, ayaw niyang may mangyari dahil may boyfriend siya. Wow, gentleman di ba? Bihira na ang ganyan ngayon. Kahit ako, gusto kong may madevelop sa kanila. Sama no? E ang cute kasi nila e. Sorry Lino. Ang bait kasi ni Zanjoe e.

Ang gulo ng Pilipinas

Walang pasok ngayon. Medyo ok na rin kasi di pa rin ako tapos mag-aral ng 2 orals ko dapat ngayon. Pero ang gulo ng Pilipinas. Grabe. Nakakaloka. Matutulog na lang ako. LS170 naman bukas ang aaralin ko. Yung Theo and Philo Orals, next time na yan. Ciao.

New Layout

I have a new layout. Very nice huh? This layout is done especially for me by Amylia. And I will be forever grateful to her. Thanks to you Amylia. :) ~ The next 3 days will be hectic for me. I have 2 Orals tomorrow, a defense and a final written exman on tuesday, and a paper due on Wednesday. Great huh? That's ok. This is my last hurrah. i will be graudating in exactly 27 days from now. Off to study again. Ciao.

Fast Walk

Wow, ang tagal ko nang hindi nakakalakad nang ganoong kabilis. Grabe. Pawis na pawis ako pagdating ko sa Eliazo. Bakit ako nagmamadali? Kasi kailangan ko pa lang magbantay sa shift namin nagyon dahil maraming pinapaprint. Dapat talaga hindi na ako pupunta dito dahil sasamahan ko ang mga Philo groupmates ko para kunin ang pinaedit naming video. Documentary to be exact. Hay. Kawawa naman si Fati, 2 na lang silang pupunta ni TJ. Kasi naman, dapat sinasabi sa akin nang mas maaga. Nakakhiya talaga sa groupmates ko. Pero hinihingi kasi ng sitwasyon ang aking pag-iral sa e-print. So ok lang. Ok na rin. Pero nahihiya pa rin ako kay Fati. Iyon yun. ~ Hay. Good news to everyone. (Para namang may bumabasa nito.) Pagaling na si Eric. So masaya ako kahit na hindi nakarating sa Singapore ang postcards na ipapadala namin kay Eric. Ok na rin. ~ Tagal kong di nagpost dito. Tapos ganito lang ang sinulat ko. Ok na rin. Kaysa wala.

Mapaglarong tadhana?

When I see him, I smile. But when i think about him, I cry. ~ Masama ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung binibiro ba ako ng tadhana. Nagpunta ako ng Escaler hall kanina para kunin ang cord para sa presentation namin. Pagdating ko doon, wala na ang cord doon. Kinuha na pala ng isa kong kagrupo. Dali-dali na akong naglalakad papuntang klase dahil nasa akin ang gagamiting laptop. At doon, sa may kalsada sa pagitan ng Schmitt hall at Sec field sa may teacher's carpark, doon ko siya nakita. Nagulat akong makita siya; masama ang pakiramdam ko. Kaya ang naging reaksiyon ko nang makita ko siya? Katulad ng reaksiyon ko sa mga kaibigan kong bumabati sa akin - isang malaking ngiti at kaway. Nagulat ako. Makailang hakbang lang, natawa ako at kamuntik nang tumalon. Iba ang epekto niya sa akin. Nagkataon bang makita ko siya? Kahit na wala pala akong aasahan sa Esacler Hall dahil wala na nga doon ang pakay ko. Sadyang mapaglaro ang tadhana.

Nalulungkot ako

Bakit ba sobrang apektado ako? Dapat hindi naman di ba? Gulity ba ako? Ewan ko. Hindi pa naman sa akin sinasabi kung bakit pero ang bigat ng pakiramdam ko. Ano kaya ang makpagpapawala nito. Ang sama sa pakiramdam e. Ayaw kong nakakaramdam ng ganitong pakiramdam. Nalulungkot ako.

Stalking DBSG

Image
Hindi magiging kasing-haba ng mga kwento na nabasa ko ang ikukuwento ko tungkol sa stalking experience ko sa DBSG. Unang-una, disclaimer lang po, hindi po ako die-hard fan ng DBSG. Gusto ko sila, oo. Natuwa lang talaga ako na may isang korean group na sikat sa Korea na nandito sa Pilipinas kaya ko sila pinuntahan. At inaamin ko, natutuwa akong makita sila dito. :) Sunday. january 29,2006 Nagising ako ng 8am para maligo at kumain dahil magsisimba na kami ng 9am. Siyempre tingin agad ako sa cellphone ko pagakalabas ko ng kwarto. At nakatanngap ako ng message mula kay Nicky na nagsasabing andito daw sila sa Pilipinas at nasa Ayala simula kaninang 5am. Bigla talaga akong nagising noon, kasi siyempre alam nyo na, groggy pa ako noon. Balak pa akong sunduin ni Nicky dito sa bahay. Haha. E siyempre hindi pwede dahil magsisimba pa ako. Kaya ang sabi ko sa kanya mauna na siya at susunod na alng ako pagkatapos ko magsimba. 10 a.m. Matapos kong magsimba, nilipat ko ang laman ng digicam namin sa pc

ERIC PROJECT PHILIPPINES

Sa wakas, nagsimula na rin ang project para kay Eric. Well, it's pretty easy so I decided to head the project. We just have to collect postcards from people who want to give one to Eric. And send it to the official collector. Easy huh? Well, let's wait and see. I am happy that this project has finally started because this will definitely cheer him up. I know that as much as his body is aching right now, his heart is aching as well because he cannot do the things that really make him happy- like acting. Sad. I hope that with these postcards, we can make him feel a tiny bit better.

God, please help Eric

Image
Grabe na talaga. Nalulungkot ako dahil mas malala pa pala ang kondisyon ni Eric sa inaasahan. Diyos ko, tulungan niyo po siya. LET US ALL PRAY FOR HIS RECOVERY.

Sleepy

Image
I need to do the presentation for Jap Eco. But I am really sleepy right now. To think that I am in the computer lab. ZZZzzzz..... ~ god is my latest addiction. Ang galing talaga nila magperform.. Hindi lang kumanta e. They have a very good stage presence. Plus all the performances i saw are all LIVE. Ang galing talaga. Hindi ko pa sila nakitang nag- lipsync. Imagine, ganun sila kagaling. ~ Meg. Do you Jap Eco powerpoint. Now. Ciao.

Hindi mapakali

Image
Kahapon pa lang talaga hindi na ako mapakali. Mabalitaan mo ba naman na naaksidente si Eric. Akala ko minor accident lang katulad ng nangyari kay Andy. Pero hindi nasagasaan siya ng rumaragasang kotse na tumatakbo ng 40kph. Di ba ang bilis noon? Iniligtas kasi niya yung isa pa niyang kasamahan sa Wolf na si Han Ji Min. Ayun, nasa ospital siya ngayon. Tingnan niyo siya, nakakaawa naman. He was getting an MRI scan during this time yesterday. Sana lang talaga maging ok ang results ng scan. Pero balita ko kanina sa Shinhwa Changjo, hindi naman daw masyadong serious na kailangan pang operahan. Pero gusto ng doktor na operahan siya sa ankle pero ayaw niya dahil gusto niyang normal ang paggaling ng buto niya para mapadali ang paggaling niya. Dahil gusto raw niya ipagpatuloy ang paggawa ng drama. medyo baliw din itong lalaking ito no? Tumilapon na at lahat pero gusto na agad magshoot ng drama. Iba ang dedication. Pero naman, sana naman intindihin mo ang sarili mo dahil maraming nagaalala sayo
Nakadalawang araw na. At ngayon lang ako nakasulat ulit dito. ~ Pagod na pagod ako. Maaga akong umalis ng bahay. May meeting ako ng 9:30 am kanina kaya kahit na 1:30 pa ang shift ko sa e-print, kailangan kong pumunta ng school. ok lang naman. Pero pagkatapos noon, todo trabaho na naman. Set-up ng LAN cable. Gupit ng ad, assemble ng standee. Print ng planners, assemble ng planners. Nakakapagod din pala. Una hindi mo mararamdaman ang pagod kapag andoon ka at gumagawa. Pero ngayong 9:08pm na at inaantok na ako, iba na talaga ang ibig sabihin noon. Pagod ako. Masakit ang katawan at likod. ~ Nakakainis talaga kanina. Tama ba? Naiinis ba talaga ako? Hmm... not so sure. Basta nabanas talaga ko kanina sa sitwasyon. Wala kasing willing tumulong sa akin kanina sa paggawa ng planners. Actually, kaya ko naman siya talagang gawin kung kakayanin. pero ayaw ko naman solohin para patas naman. Naiintindihan ko na maraming silang gagawin dahil ako, marami ring gagawin pero naglalaan ng oras sa paggawa n
May bago akong blog! Yehey! Wala lang. I will update this blog more tomorrow. i have to sleep. <3

Waiting in vain

Hay. Grabe na talaga. Inaantok na ako pero heto pa rin ako at nagsusulat sa journal. Actually may hinihitay lang ako na inuupload. Ang tagal e. Kung hindi naman dahil doon, hindi pa siguro ako mapapsulat sa journal na ito. Matagal-tagal na rin ano? Tagal na nating hindi nag-usap. Paano, kapag nagsusulat ako dito, may effort talaga kailangan dahil mas madalas sa hindi, nag-iisip ako kapag nagsusulat ako dito. Pero these days, tinatamad akong mag-isip. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro malapit na akong grumadweyt? (Yak, tama bang mag salitang ganyan? Ang pangit ng pagkasalin.) Hay. Ayoko na siyang isipin. Ang iniisip ko na lang, pupunta ako ng Korea bago ako magtapos. Saya nun di ba? hahaha. ******************** last week, nakita ko si Jope sa class niya. Hanggang ngayon, inaamin ko na napapangiti pa rin ako kapag nakikita ko siya. Iba talaga ang epekto niya sa akin. Hindi pa rin nagbabago at hindi ko alam kung magbabago pa ito. Parang lumalabas na di pa rin ako makabangon sa lusak