Hindi mapakali

Kahapon pa lang talaga hindi na ako mapakali. Mabalitaan mo ba naman na naaksidente si Eric. Akala ko minor accident lang katulad ng nangyari kay Andy. Pero hindi nasagasaan siya ng rumaragasang kotse na tumatakbo ng 40kph. Di ba ang bilis noon? Iniligtas kasi niya yung isa pa niyang kasamahan sa Wolf na si Han Ji Min. Ayun, nasa ospital siya ngayon. Tingnan niyo siya, nakakaawa naman. He was getting an MRI scan during this time yesterday. Sana lang talaga maging ok ang results ng scan. Pero balita ko kanina sa Shinhwa Changjo, hindi naman daw masyadong serious na kailangan pang operahan. Pero gusto ng doktor na operahan siya sa ankle pero ayaw niya dahil gusto niyang normal ang paggaling ng buto niya para mapadali ang paggaling niya. Dahil gusto raw niya ipagpatuloy ang paggawa ng drama. medyo baliw din itong lalaking ito no? Tumilapon na at lahat pero gusto na agad magshoot ng drama. Iba ang dedication. Pero naman, sana naman intindihin mo ang sarili mo dahil maraming nagaalala sayo ok?

Para namang nababasa niya ito.

Ang malala doon, para namang maiintindihan niya ang sinusulat ko.

HAHA.

Comments

Popular posts from this blog

New Layout

ERIC PROJECT PHILIPPINES