Nakadalawang araw na. At ngayon lang ako nakasulat ulit dito.

~

Pagod na pagod ako. Maaga akong umalis ng bahay. May meeting ako ng 9:30 am kanina kaya kahit na 1:30 pa ang shift ko sa e-print, kailangan kong pumunta ng school. ok lang naman. Pero pagkatapos noon, todo trabaho na naman. Set-up ng LAN cable. Gupit ng ad, assemble ng standee. Print ng planners, assemble ng planners. Nakakapagod din pala. Una hindi mo mararamdaman ang pagod kapag andoon ka at gumagawa. Pero ngayong 9:08pm na at inaantok na ako, iba na talaga ang ibig sabihin noon. Pagod ako. Masakit ang katawan at likod.

~

Nakakainis talaga kanina. Tama ba? Naiinis ba talaga ako? Hmm... not so sure. Basta nabanas talaga ko kanina sa sitwasyon. Wala kasing willing tumulong sa akin kanina sa paggawa ng planners. Actually, kaya ko naman siya talagang gawin kung kakayanin. pero ayaw ko naman solohin para patas naman. Naiintindihan ko na maraming silang gagawin dahil ako, marami ring gagawin pero naglalaan ng oras sa paggawa ng planners. Nagsasakripisyo ng oras para matapos na at gawin na ang iba pang mahalaga ko pang dapat gawin. Bihira lang naman ako mamilit e. Pero hindi umepekto. Noong una. Pero may pumayag rin, pilit nga lang. Hay. Buti na lang naisip ko na si Belle baka pwedeng tumulong. Savior ko talaga siya kanina.

~

Masaya ang pag-uusap namin ni Belle kanina. Nakakatuwa. Mga sawi talaga kami sa pag-ibig dahil sa tuwing nag-uusap kami noon, babagsak na lang lagi ang pinag-uusapan sa love life ko. Na wala naman. So technically, walang LOVELIFE. Hindi siya nagmemeron. Kaya mas marapat na sabihing pinag-uusapan namin ang kawalan ng lovelife ko. Haha. Nakakatawa no? Labo ko. Tapos.

~

Manunuod kami ni Belle ng Romeo and Juliet. Woohoo!!!! Saya. Excited na ako. <3

Comments

Popular posts from this blog

New Layout

ERIC PROJECT PHILIPPINES