Posts

Showing posts from August, 2005

Pagod

Hay. Alam ko tuesday pa lang nagyon at masyado pang maaga para mapagod ako. actually, nakakapagod naman talaga kahit hindi masyadong marami ang ginagawa ko sa school ngayon. (although dapat maraming gawin. hehe.)Maglakad ka alng sa school ng buong araw nakakapagod na rin yun. 10:30-6:00 ako ngayon. Tapos iniisip mo pa alng ang mga gagawin ng mga susunod na araw, nakakapagod na. Parang gusto mo na lang matulog. Ang masakit doon, pagdating mo sa kotse, sasalubungin ka pa ng pagalit ng tatay mo. O di ba? Pagod ka na nga, pagsasabihan ka pa dahil sa isang bagay na hindi mo naman sinasadya. Malay ko ba na importante pala ang text na "Wru na". Hindi na ako sumagot dahil malapit na rin akong umuwi. Akala ko nagtext siya dahil nag-aalala lang siya na gabi na at kailangan ko na umuwi. But no. Yun pala, gusto na niya akong isabay para makatipid sa gasolina. Wala namang kaso sa akin yung pagtitipid sa gasolina e,dahil mahirap naman talaga ang panahon ngayon. Kailangan magtipid. Pero h

Movies i watched last weekend

The Guy is Cool Cast: Song Seung Heon Jung Da Bin Astig tong movie na to. Maganda na rin siya. I was not expecting much from this movie. Basta si Song Seung Heon ang bida ok na sa akin. Pero maganda siya dahil : 1) may mga scenes na matatatawa ka talaga. You have to watch it to believe me. hehe. kapag kinuwento ko lang dito, baka hindi ko mabigyang hustisya ang scene. ^^) 2) Helo? Si Song Seung Heon yun. Guwapo talaga tingnan on screen. Nuff said. 3) Hindi kakaiba yung plot pero yung sitwasyon kung nasaan sila, ibang klase. 4) There are enough touching moments to make you go, "Awww...." So there. My Love Ssagaji : 100 Days with Mr. Arrogant Cast: Lee Jae Won Ha Ji Won Di ko masyadong nagustuhan ang pelikulang to. Siyempre makukumpara ko siya sa pelikula sa itaas. Pero ok na rin. May mga scenes na nakakatawa. Ok din ang ending, may twist. Pero over-all, hindi ko masasabing maganda siya. Nakakatawa lang. The Great Raid Cast: James Franco

Masaya ako

O di ba? Para maiba naman. Masaya naman akong magpopost dito sa live journal na ito. Iilan na nga lang ang entries na nandito, lagyan na natin ng masaya. Magkukuwento lang naman ako kung bakit ako masaya. Sa totoo lang, noong una, hindi masaya ang una kong naramdaman. Kaya eto ang kuwento: Noong tuesday, sabi sa akin ni Criz: C: Meg, may sasabihin ako sa iyo. Pero wag kang maghi-hysterics ha? M: O, ano yun? C: Engaged na si Jope. M: Waaaaaaahhh!!!!! As in literally, sumigaw ako sa hagdan ng ctc habang pababa kami. Pero di naman sobrang lakas. Pero sigaw talaga. Hehe. Sabi nga ni Belle, mild reaction ko pa lang daw yun. Akala daw niya iiyak at papalakat na ako sa iyak. Pero hindi ko ginawa. Bakit? Uhmmm.... sa tingin ko noong mga panahong iyon, hindi pa masyadong nagsi-sink in sa akin yung sinabi ni Criz. Naatim ko pa ngang tingan siya sa classroom niya noong naglalakad kami papunta sa ctc parking lot na parang wala akong narinig mula kay Criz. Pero pagdating namin sa parking lot, unti-