Pagod

Hay. Alam ko tuesday pa lang nagyon at masyado pang maaga para mapagod ako. actually, nakakapagod naman talaga kahit hindi masyadong marami ang ginagawa ko sa school ngayon. (although dapat maraming gawin. hehe.)Maglakad ka alng sa school ng buong araw nakakapagod na rin yun. 10:30-6:00 ako ngayon. Tapos iniisip mo pa alng ang mga gagawin ng mga susunod na araw, nakakapagod na. Parang gusto mo na lang matulog.
Ang masakit doon, pagdating mo sa kotse, sasalubungin ka pa ng pagalit ng tatay mo. O di ba? Pagod ka na nga, pagsasabihan ka pa dahil sa isang bagay na hindi mo naman sinasadya. Malay ko ba na importante pala ang text na "Wru na". Hindi na ako sumagot dahil malapit na rin akong umuwi. Akala ko nagtext siya dahil nag-aalala lang siya na gabi na at kailangan ko na umuwi. But no. Yun pala, gusto na niya akong isabay para makatipid sa gasolina. Wala namang kaso sa akin yung pagtitipid sa gasolina e,dahil mahirap naman talaga ang panahon ngayon. Kailangan magtipid. Pero hindi ko naman alam na yun pala ang ibig sabihin ng text na "Wru na". Kaya sabi ko sa susunod ilalagay niya sa text ang gusto niya talaga sabihin. Hindi pwede yung mag-aasume na lang ako. Hindi naman ako manghuhula e. Sabi niya dapat naisip ko na raw yun. Pero paano ko naman maiisip yun di ba? Lawakan ko raw ang isip ko. E hindi lang naman iyon ang iniisip ko kapag umuuwi ako di ba? Marami ring lamang ibang bagay ang utak ko. ( Katulad kanina na nawawala ang cel ni criz. Kaya kailangan ako doon para maka-uwi siya.) Hay.
Nakakalungkot isipin na ganito. Pero ganito talaga e. May mga bagay na tinatanggap mo na lang. At iiiyak na lang kung kailangan iiyak kung masyado nang masakit sa dibdib. At isa na naman ito sa maraming bagay na ganito.

Comments

Popular posts from this blog

New Layout

ERIC PROJECT PHILIPPINES