Posts

Showing posts from September, 2005

May Lamat Na

Nakakalungkot mang isipin pero mukhang bumalik na naman kami ni Belle sa stage na nangyari na sa amin dati. (Na hanggang ngayon hindi ko alam kung anong nangyari) Medyo ilang na naman sa isa't isa. Parang hindi taos sa puso ang pakikitungo. Binabati mo lang dahil kaibigan mo siya at kapag hindi mo pinansin, uusisain ka ng ibang tao kung bakit. Disclaimer lang: Hindi ko alam kung ganito rin ang nararamdaman niya pero ako ganito ang nararamdaman. Paano, ako kasi ang nagsimula e. Kung tumahimik na lang sana ako noong Huwebes... Pero sabi nga ni Joy, tama raw na nagsalita na ako dahil paano naman daw ako. Sabi ko sa loob-loob ko, oo nga paano naman ako? E ako na yung nahihirapan. Pero mukhang napasama pa ata e. Alam kong lumalabas lang ang mga bagay na hindi namin mapgkasunduan pagdating sa academics. Iba kasi ang pinahahalagahan namin, kung siya mas mahalaga ang mag-aral at makakuha ng mataas na grade kaysa sa nararamdaman ng iba, ako hindi. Kung alam kong may nasasaktan ako, mag-iib

SUREX. Ayos.

Bago ako magkuwento ng mag nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw, gusto ko lang sabihin na nas Surex ako ngayon. Wow, ang ganda nga ng computer nila dito. Ang gand ng keybord. Ang liit. Ang cute. At ang lambot pang mag-type. Nakakagana magsulat nang magsulat. Kaya mukhang mapaphaba ang mga isusulat ko ngayon dito sa journal na ito. Tatalunin ba ang nakaraang Jope journal ko? Hmm... Di ko alam. Sana huwag naman dahil aabutin nang malaki ang babayaran ko dito sa Surex. HAHA. Well, balik tayo sa Surex. Ang bilis talaga ng internet dito. Parang Station 168 kaya lang mas mura nga alng dito, doon sa Station 168 super taga. 50 pesos an hour. Dito 20 pesos lang. Lampas kalahti yun, iba na talaga kapag sa Tomas Morato ang location. Pwedeng magtaas ng presyo at may gagamit pa rin. Ang galing. May downside din naman dito, iilan lang ang computers nila. 4 lang. At kapag minalas ka pa, katulad ko ngayon, malamig. Wala akong dalang jacket. Hay.