May Lamat Na

Nakakalungkot mang isipin pero mukhang bumalik na naman kami ni Belle sa stage na nangyari na sa amin dati. (Na hanggang ngayon hindi ko alam kung anong nangyari) Medyo ilang na naman sa isa't isa. Parang hindi taos sa puso ang pakikitungo. Binabati mo lang dahil kaibigan mo siya at kapag hindi mo pinansin, uusisain ka ng ibang tao kung bakit. Disclaimer lang: Hindi ko alam kung ganito rin ang nararamdaman niya pero ako ganito ang nararamdaman. Paano, ako kasi ang nagsimula e. Kung tumahimik na lang sana ako noong Huwebes... Pero sabi nga ni Joy, tama raw na nagsalita na ako dahil paano naman daw ako. Sabi ko sa loob-loob ko, oo nga paano naman ako? E ako na yung nahihirapan. Pero mukhang napasama pa ata e. Alam kong lumalabas lang ang mga bagay na hindi namin mapgkasunduan pagdating sa academics. Iba kasi ang pinahahalagahan namin, kung siya mas mahalaga ang mag-aral at makakuha ng mataas na grade kaysa sa nararamdaman ng iba, ako hindi. Kung alam kong may nasasaktan ako, mag-iiba ako. O susubukan kong ibahin ang approach sa isang bagay. Ang problema, hindi ata niya nakikita na may mga ibang taong nasasaktan dahil sa ginagawa niya. Kaya paano siya magbabago? Tinanong nga niya ako kung may kailangan bang magbago.. sabi ko wala. Well, sinabi ko iyon dahil na rin sa sitwayson. Wala na rin kasi akong ibang maisip na bagay para mas maayos naming magawa ang projects and papers namin. Iyon na nga ang masama at masakit doon. Wala nang ibang paraan para hindi kami makakuha ng mababang grade. In short, that's the way to do a project for you to get an A. Na kailangan ni Belle. Na ako, hindi naman mahalaga sa akin. Sa akin naman, basta alam kong may natutunan ako kahit na hindi mataas ang grade ko, ayos na sa akin iyon. Pero si Belle, kailangan niya e. Belle: Make or break sem ko to e. So kaming mga iba niyang kagrupo, sunod naman sa kanya dahil kahit paano nakasalalay din sa amin ang magiging grade niya mga project na iyon. Hindi kami pwedeng magkalat dahil mapapahamak di lang ang grade namin pati grade niya. So ang tanong ngayon, nagiging selfish ba ako na ganito ang nararamdamn ko? Hindi ba bilang matalik na kaibigan niya dapat ako ang higit na makaintindi sa kanya? Iyan ang mga tanong na gumugulo sa utak ko ngayon. Kanina nga kagagaling ko lang ng Recollection namin at may mga pari doon. gustong-gusto ko na ngang mag-confess at itanong lahat ito. Dahil may kinlaman din ang tema ng recollection namin sa nangyayari sa ain ngyaon. May nabanngit si Brother Jodi kanina na tumumpak sa sitwasyon namin ngayon.
Brother Jodi: Ang kasalanan ay ang pagtangging magmahal.
Nadadagdagan ba ang mga kasalanan ako dahil hindi ko minamahal ang aking kaibigan? Dahil hindi ko siya naiintindihan sa ganoong pananaw? Hindi ko pa rin alam ang sagot. Lord, sana tulungan niyo po akong masagot ang mga katanungang ito sa mga susunod na araw. Dahil mahirap po ang ganito ang nararamdaman ko para sa aking matalik na kaibigan. Nakaka-guilty.

Comments

Popular posts from this blog

New Layout

ERIC PROJECT PHILIPPINES