SUREX. Ayos.

Bago ako magkuwento ng mag nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw, gusto ko lang sabihin na nas Surex ako ngayon. Wow, ang ganda nga ng computer nila dito. Ang gand ng keybord. Ang liit. Ang cute. At ang lambot pang mag-type. Nakakagana magsulat nang magsulat. Kaya mukhang mapaphaba ang mga isusulat ko ngayon dito sa journal na ito. Tatalunin ba ang nakaraang Jope journal ko? Hmm... Di ko alam. Sana huwag naman dahil aabutin nang malaki ang babayaran ko dito sa Surex. HAHA. Well, balik tayo sa Surex. Ang bilis talaga ng internet dito. Parang Station 168 kaya lang mas mura nga alng dito, doon sa Station 168 super taga. 50 pesos an hour. Dito 20 pesos lang. Lampas kalahti yun, iba na talaga kapag sa Tomas Morato ang location. Pwedeng magtaas ng presyo at may gagamit pa rin. Ang galing. May downside din naman dito, iilan lang ang computers nila. 4 lang. At kapag minalas ka pa, katulad ko ngayon, malamig. Wala akong dalang jacket. Hay.

Comments

Popular posts from this blog

New Layout

ERIC PROJECT PHILIPPINES