Posts

Showing posts from 2005

May Lamat Na

Nakakalungkot mang isipin pero mukhang bumalik na naman kami ni Belle sa stage na nangyari na sa amin dati. (Na hanggang ngayon hindi ko alam kung anong nangyari) Medyo ilang na naman sa isa't isa. Parang hindi taos sa puso ang pakikitungo. Binabati mo lang dahil kaibigan mo siya at kapag hindi mo pinansin, uusisain ka ng ibang tao kung bakit. Disclaimer lang: Hindi ko alam kung ganito rin ang nararamdaman niya pero ako ganito ang nararamdaman. Paano, ako kasi ang nagsimula e. Kung tumahimik na lang sana ako noong Huwebes... Pero sabi nga ni Joy, tama raw na nagsalita na ako dahil paano naman daw ako. Sabi ko sa loob-loob ko, oo nga paano naman ako? E ako na yung nahihirapan. Pero mukhang napasama pa ata e. Alam kong lumalabas lang ang mga bagay na hindi namin mapgkasunduan pagdating sa academics. Iba kasi ang pinahahalagahan namin, kung siya mas mahalaga ang mag-aral at makakuha ng mataas na grade kaysa sa nararamdaman ng iba, ako hindi. Kung alam kong may nasasaktan ako, mag-iib

SUREX. Ayos.

Bago ako magkuwento ng mag nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw, gusto ko lang sabihin na nas Surex ako ngayon. Wow, ang ganda nga ng computer nila dito. Ang gand ng keybord. Ang liit. Ang cute. At ang lambot pang mag-type. Nakakagana magsulat nang magsulat. Kaya mukhang mapaphaba ang mga isusulat ko ngayon dito sa journal na ito. Tatalunin ba ang nakaraang Jope journal ko? Hmm... Di ko alam. Sana huwag naman dahil aabutin nang malaki ang babayaran ko dito sa Surex. HAHA. Well, balik tayo sa Surex. Ang bilis talaga ng internet dito. Parang Station 168 kaya lang mas mura nga alng dito, doon sa Station 168 super taga. 50 pesos an hour. Dito 20 pesos lang. Lampas kalahti yun, iba na talaga kapag sa Tomas Morato ang location. Pwedeng magtaas ng presyo at may gagamit pa rin. Ang galing. May downside din naman dito, iilan lang ang computers nila. 4 lang. At kapag minalas ka pa, katulad ko ngayon, malamig. Wala akong dalang jacket. Hay.

Pagod

Hay. Alam ko tuesday pa lang nagyon at masyado pang maaga para mapagod ako. actually, nakakapagod naman talaga kahit hindi masyadong marami ang ginagawa ko sa school ngayon. (although dapat maraming gawin. hehe.)Maglakad ka alng sa school ng buong araw nakakapagod na rin yun. 10:30-6:00 ako ngayon. Tapos iniisip mo pa alng ang mga gagawin ng mga susunod na araw, nakakapagod na. Parang gusto mo na lang matulog. Ang masakit doon, pagdating mo sa kotse, sasalubungin ka pa ng pagalit ng tatay mo. O di ba? Pagod ka na nga, pagsasabihan ka pa dahil sa isang bagay na hindi mo naman sinasadya. Malay ko ba na importante pala ang text na "Wru na". Hindi na ako sumagot dahil malapit na rin akong umuwi. Akala ko nagtext siya dahil nag-aalala lang siya na gabi na at kailangan ko na umuwi. But no. Yun pala, gusto na niya akong isabay para makatipid sa gasolina. Wala namang kaso sa akin yung pagtitipid sa gasolina e,dahil mahirap naman talaga ang panahon ngayon. Kailangan magtipid. Pero h

Movies i watched last weekend

The Guy is Cool Cast: Song Seung Heon Jung Da Bin Astig tong movie na to. Maganda na rin siya. I was not expecting much from this movie. Basta si Song Seung Heon ang bida ok na sa akin. Pero maganda siya dahil : 1) may mga scenes na matatatawa ka talaga. You have to watch it to believe me. hehe. kapag kinuwento ko lang dito, baka hindi ko mabigyang hustisya ang scene. ^^) 2) Helo? Si Song Seung Heon yun. Guwapo talaga tingnan on screen. Nuff said. 3) Hindi kakaiba yung plot pero yung sitwasyon kung nasaan sila, ibang klase. 4) There are enough touching moments to make you go, "Awww...." So there. My Love Ssagaji : 100 Days with Mr. Arrogant Cast: Lee Jae Won Ha Ji Won Di ko masyadong nagustuhan ang pelikulang to. Siyempre makukumpara ko siya sa pelikula sa itaas. Pero ok na rin. May mga scenes na nakakatawa. Ok din ang ending, may twist. Pero over-all, hindi ko masasabing maganda siya. Nakakatawa lang. The Great Raid Cast: James Franco

Masaya ako

O di ba? Para maiba naman. Masaya naman akong magpopost dito sa live journal na ito. Iilan na nga lang ang entries na nandito, lagyan na natin ng masaya. Magkukuwento lang naman ako kung bakit ako masaya. Sa totoo lang, noong una, hindi masaya ang una kong naramdaman. Kaya eto ang kuwento: Noong tuesday, sabi sa akin ni Criz: C: Meg, may sasabihin ako sa iyo. Pero wag kang maghi-hysterics ha? M: O, ano yun? C: Engaged na si Jope. M: Waaaaaaahhh!!!!! As in literally, sumigaw ako sa hagdan ng ctc habang pababa kami. Pero di naman sobrang lakas. Pero sigaw talaga. Hehe. Sabi nga ni Belle, mild reaction ko pa lang daw yun. Akala daw niya iiyak at papalakat na ako sa iyak. Pero hindi ko ginawa. Bakit? Uhmmm.... sa tingin ko noong mga panahong iyon, hindi pa masyadong nagsi-sink in sa akin yung sinabi ni Criz. Naatim ko pa ngang tingan siya sa classroom niya noong naglalakad kami papunta sa ctc parking lot na parang wala akong narinig mula kay Criz. Pero pagdating namin sa parking lot, unti-

Pissed again

Hay ako. Nakakainis talaga. mukhang sa tuwing magsusulat na lang ako dito ay naiinis ako. e paano naman huminto nga akong manuod ng sweet 18 dahil palpak ang nabili kong dvd. tapos yung pinanuod ko ring movie palpak din yung dvd! How crappy right? FUCK! Grr... Kaya sa gagawin kong review ng mga movies and series na napanuod ko, hindi ko muna isasama ang Windstruck dahil unfair naman sa kanya kung bibigyan ko siya ng review agad di ba? pero so far, maganda talaga yung pelikula. Medyo sensitive ako pagdating sa ending so tingnan na lang natin. My reviews: Note: Hindi ako maglalagay ng mga stars or ratings dahil ayaw kong ikulong sa stars and ratings ang mga movie at series na napanuod ko. Hindi iyon patas para sa akin. At isa pang paalala, hindi ako formal critic. Naisipan ko lang bigyan ng comment ang mga napanuod ko. Yun lang. Series: Full House Maganda ang series na ito. Happy ending. So wala ka nang hahanapin pa. Well, para sa akin yun. I can like sad endings as well pero siyempre ma

(no subject)

Dapat na akong maligo pero eto ako at nagsusulat dito. Ang weird ko talaga. Kanina lang medyo masama ang loob ko dahil sa kapatid ko. Pero ngayon mukhang ok na ulit ako. Yun nga ang mahirap sa akin e, madaling mawala ang sama ng loob/galit ko. May umaabuso kaya? Pakiramdam ko meron na rin kahit paano. Natuyuan ata ako ng likod. Sobrang init kasi e. Tapos pakiramdam ko ang hirap huminga. Baka matuloy na yung sakit na kahapon ko pa nararamdaman ah. huwag naman sana. Dahil gusto kong mag-enjoy ngayong summer. ayaw kong magkasakit. ~ Nakabasa ako ng magandang one-shot ngayon galing sa shinhwa-sarang. Ang galing. Astig. Eto: One Missed Call by Michele aka MrsLeeMinwoo@Shinhwa-sarang forums It was she who started it. She saw him the first time in one of her lessons and she found him interesting. Being curious as she was, she made friends with him then falling in love with him. The pit she fell into was huge. She was insanely in love. They were apart by 3 years but age didn’t matter. All she