Masaya ako
O di ba? Para maiba naman. Masaya naman akong magpopost dito sa live journal na ito. Iilan na nga lang ang entries na nandito, lagyan na natin ng masaya. Magkukuwento lang naman ako kung bakit ako masaya. Sa totoo lang, noong una, hindi masaya ang una kong naramdaman. Kaya eto ang kuwento:
Noong tuesday, sabi sa akin ni Criz:
C: Meg, may sasabihin ako sa iyo. Pero wag kang maghi-hysterics ha?
M: O, ano yun?
C: Engaged na si Jope.
M: Waaaaaaahhh!!!!!
As in literally, sumigaw ako sa hagdan ng ctc habang pababa kami. Pero di naman sobrang lakas. Pero sigaw talaga. Hehe. Sabi nga ni Belle, mild reaction ko pa lang daw yun. Akala daw niya iiyak at papalakat na ako sa iyak. Pero hindi ko ginawa. Bakit? Uhmmm.... sa tingin ko noong mga panahong iyon, hindi pa masyadong nagsi-sink in sa akin yung sinabi ni Criz. Naatim ko pa ngang tingan siya sa classroom niya noong naglalakad kami papunta sa ctc parking lot na parang wala akong narinig mula kay Criz. Pero pagdating namin sa parking lot, unti-unti nang nag-sink in. Pero hindi ko naman mapag-usapan dahil may ibang topic na pinag-uusapan si belle at criz. so ako, medyo tahimik lang. pero sa totoo lang, pigil na pigil na ako noon. gustung-gusto ko na talaga siyang pag-usapan. Well, pinag-usapan rin naman namin yun. Kaya lang, kinakantiyawan kasi nila ako e. Oh well, what can you expect? E, natatawa rin naman ako. At saka, hindi ako maiintindihan ni criz. si belle pa oo dahil alam niya ang dinaranas at dinanas ko kay Jope. Kaya ayun. Kaya noong mga panahong iyo, medyo binaon ko muna sa likod ng utak ko at puso ko ang mga nararamdaman ko. Paano, may test pa ako sa mga susunod na araw kaya hindi pa ako pwedeng mag-break down.
Wednesday at Thursday
Lumipas ang buong araw. Hindi ko siya masyadong inalala. Pumasok ako ng Philo at nagcut ako ng polsci. pagkatapos ng Philo, nag-aral ako sa Lib. Filipiniana section. History. tapos pag-uwi ko, aral ulit ng history. At habang nag-aaral ng history naiyak na ako. pagdating ng mga 2am, tapos na muna ang history. tulog muna bago mag-aral ng theology. Ligo. Tapos hindi ko natiis. Sabi ko sa sarili ko, ito na ang huling beses na gagawin ko 'to. Binuksan ko ulit ang computer at binuksan ang Internet Explorer na dinala ako sa Google na homepage ko. tinype ko: Jope Guevara. At lumabas agad ang entry ng isang estudyanteng binasa ko na dati. Hindi nga ako nabigo sa aking hinala. Siya nga ang babaeng iyon. Ang babaeng para sa kanya. Para kay Jope. Siyempre di ko natiis, binasa ko yung mga latest entries niya. At doon ko talaga napatunayan na sila talaga ni sir. Well, ikakasal na sila. Ang feeling ko? Siyempre iba ang kabog ng dibdib ko. Imbis na inaantok na ako dahil mga 2:20 am na iyon, nagising ako lalo. natakot pa nga ako na baka di ako makatulog. (more on that later) Siyempre ang dami ko ng nabasa at nakita. Natakot at nahiya pa nga ako dahil parang invasion of privacy ang ginagawa ko. Pero dahil pinost ni Cathy iyon. Malamang malaya akong (kaming) basahin iyon. Dahil hindi ko na kinakaya, marami akong kinopyang mga linya mula sa kanyang sinulat para ikuwento kay belle. inisip ko na talaga kung paano ako magkakaroon ng "closure" tungkol sa topic na ito dahil parang dapat nang isara. Tapos print naman ako. Pagkapatay ko ng computer, sinubukan kong matulog. Actually binasa ko ulit yung pinrint kong papel. Tsaka ko lang naisip maling desisyon pala iyon. Siyet... ang hirap. Kahit na isiniksik ko na siya sa may kama ko para di ko maalala. Grabe. wa epek. Parang sa lakas ng kabog ng dibdib ko, mauulit ang nangyari sa tagaytay. (buti na lang malapit lang sa akin ang brown paper bag.) Ayaw talagang mawala ng malay ko. Tangina, sabi ko. lumabas ako at kinuha ko ang sangkatutak na readings sa theo. O ayan Meg! Yan ang aaralin mo bukas! Kaya matulog ka na! Pumikit ako pero siya/sila pa rin ang naaalala ko. tumulo na naman ang luha ko. Sabi ko kay Lord (na matagal ko nang hindi kinakausap), " Lord, pagbigyan mo na ako. Sige na. Patulugin mo na ako. Kailangan kong matulog. Kailangan ko pang magising ng 7am para mag-aral ng theo. Please... Ibalato mo na sa akin si Jope... saka ko na siya iisipin." tapos nagdasal ako ng Our father. Tapos Hail Mary. Buti na lang tumalab. mahal pa rin talaga ako ng Diyos. kumalma ako at nakatulog na rin. Paggising ko, may nakaplaster nang ngiti sa mukha ko. Di ko muna inisip kung bakit. Theo muna. pero excited talaga akong kausapin si belle. hehe. sabi ko nga sa sarili ko: Kaya ko kayang tiisin to? mukhang 6pm ko pa to makakausap dahil super hectic ng araw. Kailangan mong tiisin! Dahil marami ka pang tests! Ok...Ok... Parang dalawang meg ang nagsasalita diyan. HAHA. Loka no? Bago ako umalis ng bahay siyempre di ko kinalimutan ang props ko para sa pag-uusap namin ni belle mamaya. siniksik ko sa bag ko. Kung saan di ko siya makikita. Para walang distraction. Panggulo pa yun sa mga tests.
Anyway, remember may nakaplaster ng ngiti sa mukha ko di ba? Hindi siya nawala. habang naglalakad ako from the train station. Andun siya. Pati ako nagtataka. Di ko nga alam kung nababaliw na ako o masaya lang talaga ako. Pagdating ng theo class, na-excite ako nung makita ko si belle. parang gusto ko nang sabihin sa kanya. pero nagpigil ako. sinabi ko na lang na kakausapin ko siya mamaya. sabi ko i need "closure". Nabother siya dahil ayaw kong sabihin kung tungkol saan.
B: E paano ako magtetest niyan?
M: E basta.
B: E tungkol nga saan?
Naawa ako. Actually, hindi. Natakot ako. takutin daw ako. baka sisihin pa ako pag di niya naperfect ang exam dahil sa akin. (hehe. ^__^ )
M: *pabulong* tungkol kay Jope.
B: A ok.
Parang deadma. haha. I was not expecting that kind of mild reaction. (pero ok lang belle, bumawi ka naman nung huli. )
Eto na. nag-uusap na kami. Ayun, nagkuwento kuwento na ako. Akala ko nga iiyak ako e. Kasi nakakaiyak naman talaga. Isipin mo, ikakasal na siya? Well, if you know me and my affection/affinity/whatever for Jope, maiiyak ka talaga. Well, si belle ang umiyak. HAHA. Labo no? Pero naiintindihan ko siya. ang gulo ko magkuwento. Nakakatawa kasi noong una, parang may ganitong usapang lumabas: (hindi eksaktong mga salita)
M: Akala ko nga iiyak ako ngayon.
B: Ha? E bakit ka naman iiyak e they are so happy.
M: OO nga.
(dito sa mga susunod, yung mga naka-italicize si belle ang nagsabi. )
pero after a while. nung marami na akong nasabi, biglang naluha na siya. parang nalungkot kasi siya. tinanong niya sa akin kung anong feeling ng binabasa ko ang love letters ni jope para sa iba. Sabi ko kumakabog yung dibdib ko. Pero in a way, masaya ako. Masaya ka siguro dahil masaya siya no? OO. Masaya ako dahil masaya siya/sila. Kaya siya/sila ang lagi kong ginagamit, dahil alam kong masaya si Jope dahil andyan si Cathy ganun din si Cathy sa kanya. Tapos hindi ko alam kung paano napunta sa usapang mahal ko siya. Ah, sabi ko nga kay belle, nababaliw na ba ako? Bakit parang kakaiba ang reaction? No. I think you're taking it pretty well. sa tingin ko mahal mo siya kasi if you're just obsessed, you'll do something drastic. Or crazy. You'll go through the STAGES. Denial, Anger, etc... sabi ko naman, nagdaan din ako doon ata in some way. Pero mabilis nga lang. Kasi masaya ako para sa kanya. Mahal ko nga siya. sa totoo lang, katulad ng sinabi ko sa kanya, nararamdaman ko na e. hindi ko lang pinapansin dahil parang ang weird. How can you be in love or how can you love a person na hindi mo naman talaga kilala? It's intentionality of the heart. May nakita kang value sa kanya kaya mo siya minahal. Matapos mong makita ang value, saka mo siya pwede pang kilalanin nang lubusan. Pero sa kaso mo, hindi mo na nga siya makikila pa nang lubusan. (galing sa Philo namin yan na si Jope din ang naguturo.Basta lahat ng philiosophical stuff dito natutunan namin sa kanya na galing naman kay Scheler. Mabuhay si Scheler!)Yeah, tama siya in that sense. Kasi technically, kaya ko siya minahal, kaya ko nakita ang value niya, dahil na rin sa mga lectures niya at kung paano niya ibinahagi niya ang sarili niya sa klase. Pero ang malala doon, MAHAL KO SIYA. OO nga. Ang kulit. Hindi ako umaasang mahalin niya ako dahil ok lang sa akin iyon. Without hope or agenda, I love you. Tama nga iyon. Hindi na mahalaga sa akin kung mahalin niya ako o hindi, ang mahalaga mahal ko siya. At patuloy ko siyang mamahalin. Dahil kapag nagmahal ka, forever na iyon. Hindi naman pwedeng magmahal ka tapos bigla mo na lang siyang hindi mamahalin. dahil kung ganun, ibig sabihin, hindi mo talaga siya minahal noong una pa lang. Aww... hindi ba ang romantic nun? ibig sabihin you are meant to love him. hindi ka pa ipinapanganak, nakatakda ka nang mahalin siya. oo nga no? Ang galing. At isipin mo, lahat ng ito nanggaling sa kanya. hindi natin malalaman lahat ng ito kung hindi natin siya naging teacher. Hindi ko malalaman na mamahalin ko siya kung hindi niya itinuro ang lesson na ito. I guess. It was really meant for me to love him. Now that i think about it, every thing fell into place. Kung susundan natin yung premise na nakatakda akong mahalin siya, hindi nagkataong naging teacher ko siya sa Philo. Dahil nakatakda akong mahalin siya, dapat kong marealize at matutunan yung mga itinuro niya na nagbigay daan para makita ko ang kanyang halaga. Paano ko nakita ang halaga niya? Dahil sa pagbubukas niya ng kanyang sarili sa tuwing nagtuturo siya sa klase. Ang galing. Ngayon ko lang naisip 'to.
May ilan siguro sa inyo na hindi makakaintindi sa akin. I guess you really have to be taught by jope to understand ALL of this. Unless fan ka ni Scheler at ng marami pang ibang philosophers. Or pareho sila ng tinuturo ng tecaher mo sa Ph101 and 102. Sabi ko nga kay Belle, pwede na akong mamatay. Well, technically oo. Pero wag naman sana. Haha. Oo nga, i feel so calm now. Parang i've accomplished something. Iba pala talaga ang feeling ng nagmamahal. Ang yabang man ng dating, i feel proud na mahal ko siya. I think something good came out of this... Oo naman, kasi marami akong natutunang bagay. Natutunanan, mga bagay na alam ko na pero dapat pang ipaalala sa akin para hindi ko makalimutan.
Friday
Habang binabasa ko ang entries ni Cathy, narealize ko na siguro kaya ako masaya para sa kanila dahil parang ako siya. Kung paano siya nagsimula ni Jope, ganun din ako. Kung paano niya i-stalk si Jope, ganun din ang ginawa ko. Parang nakita ko ang katuparan ng sarili ko sa kanya. well, mababaw to pero mahilig din siya sa Carnations, favorite ko rin iyon. Minsan pareho kaming mag-isip. Lalo na kung tungkol sa kanya. Quoting her: "I always looked forward to listening to you in class, and sitting in a year later even if it meant hearing the lesson all over again. and i loved it not because [you] were my boyfriend but because you are excellent at what you do." Iyan ang isa sa mga bagay na minahal ko sa kanya. And like her, Jope is my favorite risk. Hindi pa ako nagtataya sa buong buhay ko dahil takot ako pero dito, sa kanya, nagtaya ako. (Mabigat para sa akin ang salitang pagtataya kaya hindi basta basta para sa akin ang pagtataya. galing naman kay sir Miroy yan. ph103. Muhahahaha. hehe. ) At patuloy na magtataya dahil wala akong inaasahan mula sa kanya. No matter what... ika nga ni sir Miroy. At ang mabuti doon, masaya ako.
Hanga rin talaga ako sa tatag nila, hindi madali ang pinagdaanan nila kung iisipin. (Kung alam mo ang kuwento nila. haha. ) Kaya simula ngayon, kapag makikita ko si Jope, kasama na ang paghanga sa mga mararamdaman ko sa kanya. Lagi silang magsisilbing inspirasyon para sa akin.
Mabuhay kayo Jope and Cathy! Totoo yan. promise. :)
ang haba nito ah. Makatulog na nga.

Comments