Posts

Showing posts from January, 2006

God, please help Eric

Image
Grabe na talaga. Nalulungkot ako dahil mas malala pa pala ang kondisyon ni Eric sa inaasahan. Diyos ko, tulungan niyo po siya. LET US ALL PRAY FOR HIS RECOVERY.

Sleepy

Image
I need to do the presentation for Jap Eco. But I am really sleepy right now. To think that I am in the computer lab. ZZZzzzz..... ~ god is my latest addiction. Ang galing talaga nila magperform.. Hindi lang kumanta e. They have a very good stage presence. Plus all the performances i saw are all LIVE. Ang galing talaga. Hindi ko pa sila nakitang nag- lipsync. Imagine, ganun sila kagaling. ~ Meg. Do you Jap Eco powerpoint. Now. Ciao.

Hindi mapakali

Image
Kahapon pa lang talaga hindi na ako mapakali. Mabalitaan mo ba naman na naaksidente si Eric. Akala ko minor accident lang katulad ng nangyari kay Andy. Pero hindi nasagasaan siya ng rumaragasang kotse na tumatakbo ng 40kph. Di ba ang bilis noon? Iniligtas kasi niya yung isa pa niyang kasamahan sa Wolf na si Han Ji Min. Ayun, nasa ospital siya ngayon. Tingnan niyo siya, nakakaawa naman. He was getting an MRI scan during this time yesterday. Sana lang talaga maging ok ang results ng scan. Pero balita ko kanina sa Shinhwa Changjo, hindi naman daw masyadong serious na kailangan pang operahan. Pero gusto ng doktor na operahan siya sa ankle pero ayaw niya dahil gusto niyang normal ang paggaling ng buto niya para mapadali ang paggaling niya. Dahil gusto raw niya ipagpatuloy ang paggawa ng drama. medyo baliw din itong lalaking ito no? Tumilapon na at lahat pero gusto na agad magshoot ng drama. Iba ang dedication. Pero naman, sana naman intindihin mo ang sarili mo dahil maraming nagaalala sayo
Nakadalawang araw na. At ngayon lang ako nakasulat ulit dito. ~ Pagod na pagod ako. Maaga akong umalis ng bahay. May meeting ako ng 9:30 am kanina kaya kahit na 1:30 pa ang shift ko sa e-print, kailangan kong pumunta ng school. ok lang naman. Pero pagkatapos noon, todo trabaho na naman. Set-up ng LAN cable. Gupit ng ad, assemble ng standee. Print ng planners, assemble ng planners. Nakakapagod din pala. Una hindi mo mararamdaman ang pagod kapag andoon ka at gumagawa. Pero ngayong 9:08pm na at inaantok na ako, iba na talaga ang ibig sabihin noon. Pagod ako. Masakit ang katawan at likod. ~ Nakakainis talaga kanina. Tama ba? Naiinis ba talaga ako? Hmm... not so sure. Basta nabanas talaga ko kanina sa sitwasyon. Wala kasing willing tumulong sa akin kanina sa paggawa ng planners. Actually, kaya ko naman siya talagang gawin kung kakayanin. pero ayaw ko naman solohin para patas naman. Naiintindihan ko na maraming silang gagawin dahil ako, marami ring gagawin pero naglalaan ng oras sa paggawa n
May bago akong blog! Yehey! Wala lang. I will update this blog more tomorrow. i have to sleep. <3

Waiting in vain

Hay. Grabe na talaga. Inaantok na ako pero heto pa rin ako at nagsusulat sa journal. Actually may hinihitay lang ako na inuupload. Ang tagal e. Kung hindi naman dahil doon, hindi pa siguro ako mapapsulat sa journal na ito. Matagal-tagal na rin ano? Tagal na nating hindi nag-usap. Paano, kapag nagsusulat ako dito, may effort talaga kailangan dahil mas madalas sa hindi, nag-iisip ako kapag nagsusulat ako dito. Pero these days, tinatamad akong mag-isip. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro malapit na akong grumadweyt? (Yak, tama bang mag salitang ganyan? Ang pangit ng pagkasalin.) Hay. Ayoko na siyang isipin. Ang iniisip ko na lang, pupunta ako ng Korea bago ako magtapos. Saya nun di ba? hahaha. ******************** last week, nakita ko si Jope sa class niya. Hanggang ngayon, inaamin ko na napapangiti pa rin ako kapag nakikita ko siya. Iba talaga ang epekto niya sa akin. Hindi pa rin nagbabago at hindi ko alam kung magbabago pa ito. Parang lumalabas na di pa rin ako makabangon sa lusak