Mapaglarong tadhana?

When I see him, I smile.
But when i think about him, I cry.

~

Masama ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung binibiro ba ako ng tadhana.

Nagpunta ako ng Escaler hall kanina para kunin ang cord para sa presentation namin. Pagdating ko doon, wala na ang cord doon. Kinuha na pala ng isa kong kagrupo. Dali-dali na akong naglalakad papuntang klase dahil nasa akin ang gagamiting laptop. At doon, sa may kalsada sa pagitan ng Schmitt hall at Sec field sa may teacher's carpark, doon ko siya nakita. Nagulat akong makita siya; masama ang pakiramdam ko. Kaya ang naging reaksiyon ko nang makita ko siya? Katulad ng reaksiyon ko sa mga kaibigan kong bumabati sa akin - isang malaking ngiti at kaway. Nagulat ako. Makailang hakbang lang, natawa ako at kamuntik nang tumalon. Iba ang epekto niya sa akin.

Nagkataon bang makita ko siya? Kahit na wala pala akong aasahan sa Esacler Hall dahil wala na nga doon ang pakay ko.

Sadyang mapaglaro ang tadhana.

Comments

Popular posts from this blog

New Layout

ERIC PROJECT PHILIPPINES