Stalking DBSG


Hindi magiging kasing-haba ng mga kwento na nabasa ko ang ikukuwento ko tungkol sa stalking experience ko sa DBSG. Unang-una, disclaimer lang po, hindi po ako die-hard fan ng DBSG. Gusto ko sila, oo. Natuwa lang talaga ako na may isang korean group na sikat sa Korea na nandito sa Pilipinas kaya ko sila pinuntahan. At inaamin ko, natutuwa akong makita sila dito. :)

Sunday. january 29,2006

Nagising ako ng 8am para maligo at kumain dahil magsisimba na kami ng 9am. Siyempre tingin agad ako sa cellphone ko pagakalabas ko ng kwarto. At nakatanngap ako ng message mula kay Nicky na nagsasabing andito daw sila sa Pilipinas at nasa Ayala simula kaninang 5am. Bigla talaga akong nagising noon, kasi siyempre alam nyo na, groggy pa ako noon. Balak pa akong sunduin ni Nicky dito sa bahay. Haha. E siyempre hindi pwede dahil magsisimba pa ako. Kaya ang sabi ko sa kanya mauna na siya at susunod na alng ako pagkatapos ko magsimba.

10 a.m.
Matapos kong magsimba, nilipat ko ang laman ng digicam namin sa pc para mawalan ng laman at makuhaan ko ang DBSG. Tapos, nagpahatid na ako kay Papa sa MRT station. Para pumuntang Ayala. Tapos tinext ko sina Nerie dahil baka di ko na abutan ang DGSG. Sinigurado ko na di masasayang ang punta ko doon. Sabi niya nasa Mall of Asia raw sila ngayon kaya doon ako pumunta pagdating ko ng Taft Ave. Sumakay ako ng taxi at nautakan pa ako ng driver at hindi nagbigay ng sukli. (That's another story to tell. ;) )

Mall of Asia, 11:20 a.m.
Ang laki ng lugar, pero wala pang laman. Sabi ko sa sarili ko, nasan na sila?Hanapin mo na lang yung maraming tao, Meg. Malamang sila na yoon. At di ako nagkamali. Pagtignin ko sa mga grupo ng tao na nandoon, una kong nakita si Jaejoong. Oh my God. Ito na sila! Sila na nga iyon! Wahahaha. Tapos, nakita ko na si Nicky. At hinila na ako ni Angel papunta sa pwesto nila. Ang ganda ng pwesto nila ah. Tapat na tapat sa lugar ng DBSG, kung saan silang nag-shoshoot ng commercial for Samsung. Ang galing. At nakita ko na rin sa wakas si Yunho. Ang pinakagusto ko sa kanilang lima. Ang gwapo niya, grabe. Ang tangkad pa. Ay nako naman. Pagdating ko patapos na sila ng shoot. Malas ko lang dahil bawal na kumuha ng pictures. Noong una raw pinayagan silang kumuha pero nung magtagal, ayaw na. Kaya nakontento na alng ako sa katititig sa kanila. Pero swerte ko dahil naabutan ko silang kumaway sa amin. Nakakatuwa. Tilian talaga ang mga tao noong kumaway sila. Saya ng pakiramdam na naramdaman naman nilang andun kami.

hindi nagtagal, umuwi na rin kami dahil natapos na ang shooting ng commercial. Pero bago sila sumakay ng bus nila, sumigaw ang mga fans, at kasama na rin ako, ng " DBSG, Sarangheyo!" At nag-bow sila sa amin. WOW. ang galing talaga. Ang sarap ng feeling.

DBSG pa lang yan sa lagay na yan. Paano pa kaya kung Shinhwa?
PIC

L-R: Nerie (my sister-in-law), Angel (My Andy), and me :)

credits to Nerie's cam and Angel's efforts to take pics. Thanks to both of you!

Comments

Popular posts from this blog

New Layout

ERIC PROJECT PHILIPPINES