Nakadalawang araw na. At ngayon lang ako nakasulat ulit dito. ~ Pagod na pagod ako. Maaga akong umalis ng bahay. May meeting ako ng 9:30 am kanina kaya kahit na 1:30 pa ang shift ko sa e-print, kailangan kong pumunta ng school. ok lang naman. Pero pagkatapos noon, todo trabaho na naman. Set-up ng LAN cable. Gupit ng ad, assemble ng standee. Print ng planners, assemble ng planners. Nakakapagod din pala. Una hindi mo mararamdaman ang pagod kapag andoon ka at gumagawa. Pero ngayong 9:08pm na at inaantok na ako, iba na talaga ang ibig sabihin noon. Pagod ako. Masakit ang katawan at likod. ~ Nakakainis talaga kanina. Tama ba? Naiinis ba talaga ako? Hmm... not so sure. Basta nabanas talaga ko kanina sa sitwasyon. Wala kasing willing tumulong sa akin kanina sa paggawa ng planners. Actually, kaya ko naman siya talagang gawin kung kakayanin. pero ayaw ko naman solohin para patas naman. Naiintindihan ko na maraming silang gagawin dahil ako, marami ring gagawin pero naglalaan ng oras sa paggawa n...
Comments