Zanjoe and Bianca
Well, the PBB housemates are finally outside the house. And so are Bianca and Zanjoe. At mukhang nagulat si Bianca sa mga reaksyon at opinion ng mga tao sa labas ng bahay. Si Zanjoe naman, sa nakikita ko naging consistent siya na gusto pa rin niyang maging kaibigan si Bianca sa labas ng bahay katulad ng sinabi niya sa loob. Pero si Bianca, parang pigil lahat. Naiintindihan ko siya at pinipilit intindihin ang sitwasyon niya. Kasi hindi rin madali e. Ang boyfriend niya ay galing sa isang respetadong pamilya. Hindi siya basta-basta na lamang makapagdesisyon. Dapat isipin rin niya ang reputasyon ng boyfriend niya. Naiinis lang ako dahil pilit nilang sinasabing malapit na magkaibigan sila ni Zanjoe pero iba naman ang nakikita ko. Parang iwas silang pareho kapag magkasama. Well, sa harap ng camera iyon. Kung sabagay, hindi naman natin sila nakikita sa likod ng camera. Ang hiling ko lang, huwag na nilang sabihing gusto nilang ipagpatuloy ang friendship nila dahil mukhang hindi naman mangyayari. Well, for now, iyon ang nakikita ko.
I am so sad for my favorite housemates. Whenever I see them in their guestings lately, they both look sad. Hindi katulad nung mga naunang guestings nila sa The Buzz and Y Speak. There, Zanjoe still had sparkle in his eyes. Pero kahit siya ngayon, mukhang matamlay na. Ayaw ko man magjudge, pero mukhang nalulungkot na rin siya. Kasi hindi nangyayari ang mga napag-usapan nila sa loob ng bahay ni Kuya. "na walang magbabago..." Kasi naman, hindi naman talaga mangyayari may magbabago at magbabago. Ang sa akin lang talaga, kaligayahan nilang dalawa ang hiling ko.
To Bianca, sana maayos mo na ang problema mo. Ngayong nakita mo na ang totoong mundo sa labas, sana hindi ka magbago. Magpakatotoo ka pa rin. Minahal ko ang Bianca na nakita ko sa loob ng bahay dahil nagpakatotoo ka. Nahubaran ka ng iyong "perfect girl" image dahil wala naman talagang perfect girl. Nakita naming tao ka rin pala, nagkakamali, nagmamagahal at nasasaktan. Alam kong inaayos mo na ang problema niyo ng boyfriend mo. Kung piliin mong ipagpatuloy ang iyong relasyon sa kanya, sana gawin mo ito dahil mahal mo talaga siya at hindi para protektahan ang pangalan niya. Magpakatotoo ka girl. Dahil kahit ano namang gawin mo, may masasaktan at masasaktan. Payong Atenista na nag-Philo rin, iisa lang ang totoo sa mundong ito: ang nararamdaman mo. Kaya iyon ang sundin mo. At irerespeto ko kung anuman iyon.
To Zanjoe, maging matatag ka. Marami ka pang haharapin sa mundo ng showbiz na gusto mong pasukin. Natutuwa ako sa iyo dahil pinanindigan mo ang sinabi mo sa loob. Ganoon ka pa rin paglabas mo, walang nagbago. Kaya hindi talaga ako nagtataka kung bakit maraming may gusto at humahanga sa iyo. Maging ako hanga sa iyo. Sana ipagpatuloy mo iyan dahil iyan ang magpapatagal sa iyo sa mundong papsukin mo.
Para sa inyong dalawa, aking mga favorite housemates, sana lang maging maligaya na kayo pareho. Namimiss ko na yung mga ganitong ngiti niyo.

Goodluck pudgies.

Comments