Zanjoe is safe

Grabe. Ang lakas ng mga fans ni Zanjoe. At kasama ako dun. Hehe, obvious naman sa last post ko si ba? Akala ko talaga matatanggal siya kanina. Kaya nga sa kanya ako nakatitig habang inaannounce ni Toni Gonzaga ang matatanggal. Pero si Rico ang natanggal. O di ba? Bongga? At least andyan pa si Zanjoe. Sa totoo lang, siya lang talaga ang inaabangan ko sa bahay ni Kuya. Kapag nawala na siya, wala na akong panunuorin.

Gwapo ni Zanjoe dito: Gwapong alipin talaga. Nakakadena na, galing pa rin magmodel. :)

















Mga pagmumuni-muni sa sitwasyon nina Bianca at Zanjoe

Naaawa ako kina Bianca at Zanjoe. Sa sitwasyon kung saan sila napapaloob.

Bianca

Kawawa siya dahil ipit siya. Well, vocal siya na medyo may hindi sila pagkakaunawaan ng boyfriend niya. At sa nakikita ko, napaalapit siya kay Zanjoe. Kung may feelings man siya para huli, kayo na lang ang humusga. Pero sa nakikita ko, natutuwa siya sa atensiyon na binibigay sa kanya ni Zanjoe. Biased na kung biased pero ang bait naman kasi talaga ni Zanjoe kay Bianca. Flattered siya. Pero sa kabila nito, hindi natin maitatanggi na may boyfriend pa rin siya. Kaya pigil ang lahat ng kilos niya. Alam niyang may masasaktan kung may gawin man siyang gusto niya pero alam niyang hindi magugustuhan ng iba.

Zanjoe

Kawawa siya dahil kung piliin pa rin ni Bianca ang boyfriend niya sa labas, siyempre malulungkot iyon. Parang panaginip lang ang lahat ng nagyayari sa kanila ni Bianca sa Bahay ni Kuya, dahil paglabas nila haharapin na nila ang tunay na buhay. Maraming dapat pagdesisyunan at isa na rito ang pag-ayos ng relasyon ni Bianca at ng boyfriend niya. Ang sama man pakinggan nito pero ang anumang nagiging uganyan nila ni Bianca ngayon ay nagbibigay pag-asa lamang sa kanya. Ngunit paglabas nila, bubulaga din sa kanila ang katotohanan.

Anuman ang maging desisyon ng dalawang ito sa loob at labas ng bahay ni Kuya, inirerespeto ko. Malaki na sila at alam na nila ang ginagawa nila. Sila lang ang nakakaalam ng tunay nilang nararamdaman. At sa nakikita ko, iyon lamang ang sinusunod nila.

For now, enjoy muna kaming Bianjoers...

Comments

Popular posts from this blog

New Layout

ERIC PROJECT PHILIPPINES