Halo-halo

4 down, 2 more to go

Natapos na ang Philo orals , LS 170 finals, at Jap eco defense ko kahapon. Kanina naipasa ko na ang final paper ko sa ADRP. Dalawang requirement na lang. Theo orals bukas, at LS 127 defense sa March 4. Tapos, tapos na ako. Yey. Saya.

Pinoy Big Brother Celebrity Edition

Sinusubaybayan ko ang show na 'to. Bakit? Dahil marami kang mapupulot na aral. katulad na lang ngayon. Nagladlad na si Rustom. Bakla siya. Katulad ng sinabi ni Toni, hindi mahalaga kung tama ba o mali ang ginagawang pag-amin ni Rustom. Ang mahalaga ay nailabas ang katotohanan na matagal nang itinatago.

Natutuwa rin ako kay Zanjoe. Well, guwapo siya for one. HAHA. Pero ang laki ng respeto ko sa kanya dahil kahit na crush niya si Bianca, ayaw niyang may mangyari dahil may boyfriend siya. Wow, gentleman di ba? Bihira na ang ganyan ngayon. Kahit ako, gusto kong may madevelop sa kanila. Sama no? E ang cute kasi nila e. Sorry Lino. Ang bait kasi ni Zanjoe e.

Comments

Popular posts from this blog

New Layout

ERIC PROJECT PHILIPPINES