Palibot-libot na lang
Palibot-libot na lang
Palibot-libot na lang ako sa Ateneo. Inaayos ko ang clearance ko ngayon. Pending sa Student Accounts yung akin ngayon. Kukunin ko raw mamayang 2pm. Pero since nasa e-print ako ng oras na iyon, ipapakiusap ko kay Louie na kunin na lang iyong akin. Nakakabaliw. Hindi ako makapaniwala na wala na akong dapat isipin tungkol sa school. Hehe, pero masaya na rin. Ang susunod ko nang iisipin ay kung sino ang tatanggap sa akin sa trabaho.
~
8:55am, tumawag si Joy sa akin. Tinatanong kung gusto ko raw bang malaman ang philo orals grade ko. 3.5 daw ang nakuha ko. Wow, paano nangyari iyon? Ibang klase. Medyo nagkalat nga ako tapos naka- B+ pa ako. Ay grabe na talaga ito. Sobrang bait naman ni Sir. Pero iniisi ko rin, hindi naman siguro magbibigay ng grade si Sir nang basta-basta hindi ba? Matanong nga si Anton bukas.
~
Ngayon, habang isinusulat ko ito, nasa e-print ako at nagbabantay. O di ba? Bongga. Sipag no? Katulad na rin ng sinabi nila, sayang kasi ang kikitain e. Tapos medyo ginaganahan ako dahil nakakuha kami ng B+ sa presentation. HAHA. Saya no? Wala lang. Pinaghirapan kasi e. Hindi lang iyong presentation. Pati yung business mismo. Katulad nga ng sinabi ng nanay ko, dugo't pawis daw ang puhunan namin sa business na ito.
~
Sige, magbabasa muna ako ng mga trabahong pwede kong pasukan. Ciao.

Comments