Wow, ang tagal ko nang hindi nakakalakad nang ganoong kabilis. Grabe. Pawis na pawis ako pagdating ko sa Eliazo. Bakit ako nagmamadali? Kasi kailangan ko pa lang magbantay sa shift namin nagyon dahil maraming pinapaprint. Dapat talaga hindi na ako pupunta dito dahil sasamahan ko ang mga Philo groupmates ko para kunin ang pinaedit naming video. Documentary to be exact. Hay. Kawawa naman si Fati, 2 na lang silang pupunta ni TJ. Kasi naman, dapat sinasabi sa akin nang mas maaga. Nakakhiya talaga sa groupmates ko. Pero hinihingi kasi ng sitwasyon ang aking pag-iral sa e-print. So ok lang. Ok na rin. Pero nahihiya pa rin ako kay Fati. Iyon yun. ~ Hay. Good news to everyone. (Para namang may bumabasa nito.) Pagaling na si Eric. So masaya ako kahit na hindi nakarating sa Singapore ang postcards na ipapadala namin kay Eric. Ok na rin. ~ Tagal kong di nagpost dito. Tapos ganito lang ang sinulat ko. Ok na rin. Kaysa wala.
Dapat na akong maligo pero eto ako at nagsusulat dito. Ang weird ko talaga. Kanina lang medyo masama ang loob ko dahil sa kapatid ko. Pero ngayon mukhang ok na ulit ako. Yun nga ang mahirap sa akin e, madaling mawala ang sama ng loob/galit ko. May umaabuso kaya? Pakiramdam ko meron na rin kahit paano. Natuyuan ata ako ng likod. Sobrang init kasi e. Tapos pakiramdam ko ang hirap huminga. Baka matuloy na yung sakit na kahapon ko pa nararamdaman ah. huwag naman sana. Dahil gusto kong mag-enjoy ngayong summer. ayaw kong magkasakit. ~ Nakabasa ako ng magandang one-shot ngayon galing sa shinhwa-sarang. Ang galing. Astig. Eto: One Missed Call by Michele aka MrsLeeMinwoo@Shinhwa-sarang forums It was she who started it. She saw him the first time in one of her lessons and she found him interesting. Being curious as she was, she made friends with him then falling in love with him. The pit she fell into was huge. She was insanely in love. They were apart by 3 years but age didn’t matter. All she...
Comments