May Lamat Na
Nakakalungkot mang isipin pero mukhang bumalik na naman kami ni Belle sa stage na nangyari na sa amin dati. (Na hanggang ngayon hindi ko alam kung anong nangyari) Medyo ilang na naman sa isa't isa. Parang hindi taos sa puso ang pakikitungo. Binabati mo lang dahil kaibigan mo siya at kapag hindi mo pinansin, uusisain ka ng ibang tao kung bakit. Disclaimer lang: Hindi ko alam kung ganito rin ang nararamdaman niya pero ako ganito ang nararamdaman. Paano, ako kasi ang nagsimula e. Kung tumahimik na lang sana ako noong Huwebes... Pero sabi nga ni Joy, tama raw na nagsalita na ako dahil paano naman daw ako. Sabi ko sa loob-loob ko, oo nga paano naman ako? E ako na yung nahihirapan. Pero mukhang napasama pa ata e. Alam kong lumalabas lang ang mga bagay na hindi namin mapgkasunduan pagdating sa academics. Iba kasi ang pinahahalagahan namin, kung siya mas mahalaga ang mag-aral at makakuha ng mataas na grade kaysa sa nararamdaman ng iba, ako hindi. Kung alam kong may nasasaktan ako, mag-iib...