Hay. Grabe na talaga. Inaantok na ako pero heto pa rin ako at nagsusulat sa journal. Actually may hinihitay lang ako na inuupload. Ang tagal e. Kung hindi naman dahil doon, hindi pa siguro ako mapapsulat sa journal na ito. Matagal-tagal na rin ano? Tagal na nating hindi nag-usap. Paano, kapag nagsusulat ako dito, may effort talaga kailangan dahil mas madalas sa hindi, nag-iisip ako kapag nagsusulat ako dito. Pero these days, tinatamad akong mag-isip. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro malapit na akong grumadweyt? (Yak, tama bang mag salitang ganyan? Ang pangit ng pagkasalin.) Hay. Ayoko na siyang isipin. Ang iniisip ko na lang, pupunta ako ng Korea bago ako magtapos. Saya nun di ba? hahaha. ******************** last week, nakita ko si Jope sa class niya. Hanggang ngayon, inaamin ko na napapangiti pa rin ako kapag nakikita ko siya. Iba talaga ang epekto niya sa akin. Hindi pa rin nagbabago at hindi ko alam kung magbabago pa ito. Parang lumalabas na di pa rin ako makabangon sa lusak ...