Hindi magiging kasing-haba ng mga kwento na nabasa ko ang ikukuwento ko tungkol sa stalking experience ko sa DBSG. Unang-una, disclaimer lang po, hindi po ako die-hard fan ng DBSG. Gusto ko sila, oo. Natuwa lang talaga ako na may isang korean group na sikat sa Korea na nandito sa Pilipinas kaya ko sila pinuntahan. At inaamin ko, natutuwa akong makita sila dito. :) Sunday. january 29,2006 Nagising ako ng 8am para maligo at kumain dahil magsisimba na kami ng 9am. Siyempre tingin agad ako sa cellphone ko pagakalabas ko ng kwarto. At nakatanngap ako ng message mula kay Nicky na nagsasabing andito daw sila sa Pilipinas at nasa Ayala simula kaninang 5am. Bigla talaga akong nagising noon, kasi siyempre alam nyo na, groggy pa ako noon. Balak pa akong sunduin ni Nicky dito sa bahay. Haha. E siyempre hindi pwede dahil magsisimba pa ako. Kaya ang sabi ko sa kanya mauna na siya at susunod na alng ako pagkatapos ko magsimba. 10 a.m. Matapos kong magsimba, nilipat ko ang laman ng digicam namin sa pc...